Wednesday, November 6, 2013

Daniel, pumuporma kay Julia Barretto?

Ni Jimi Escala


JULIA Barretto MARIING itinanggi ni Daniel Padilla ang isyung kesyo inisnab daw niya ang press sa isang show na dinaluhan niya kamakailan.


Wala raw katotohanan na hindi niya hinarap ang local press pagkatapos ng naturang pagtatanghal.



Ayaw na lang pahabain pa ni Daniel ang pang-iintriga sa kanya pero humingi siya ng pang-unawa sa mga hindi niya napagbigyan. Katwiran pa niya ay tao lang daw siya na nakakaramdam din ng pagod at hindi raw siya isang makina na dapat ay sunod na lang nang sunod sa anumang ipapagawa sa kanya.


Kasabay din ng naturang isyung pag-iwas ni Daniel sa local press ang sinasabing pagdalaw niya kay Julia Barretto sa taping ng Mirabella, ang pinagbibidahang serye nito.


Pero sa halip na magbigay ng komento ay umiling na lang si Daniel at mukhang umiiwas na magsalita tungkol sa nabuking na pagbisita niya kay Julia Barretto. Marami tuloy ang nag-iisip na pumuporma siya sa dalagita.


Samantala, bukod sa serye nilang dalawa ni Kathryn Bernardo ay abala rin si Daniel sa pelikulang Pagpag na Metro Manila Film Festival entry ng Star Cinema. Siyempre, kasama pa rin niya sa movie ang ka-loveteam niyang si Kathryn with Shaina Magdayao and Paulo Avelino.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Daniel, pumuporma kay Julia Barretto?


No comments:

Post a Comment