Monday, November 18, 2013

DAGDAG-KITA

TULUNGAN N’YO akong mag-isip para madagdagan ang kita natin. Isang gabi, pagdaan ng sinasakyan kong tricycle sa main avenue ng village namin, napansin ko ang isang bata pang lalaki at isang batang babae na nagtitinda ng juice. Parang medyo naawa ako, kasi gaano lang naman ang tutubuin nun. Pero pagkalampas namin, napaisip ako: Habang nasa grocery ako’t nababawasan ang laman ng pitaka ko, kumikita naman ang dalawang masisipag na ’to.



Di ba magandang idea ang magkaroon ng dagdag na kita? Alam naman natin na malaking bagay talaga ang magkaroon ng nakatabing cash—pag may emergency, hindi tayo mahihirapan mag-isip kung kanino lalapit. Hindi ba magandang idea ’yun? Ano kaya sa tingin n’yo ang magandang pagkakitaan ngayon? Ano kaya ang bagay na handang pagkagastusan ng mga tao? Pag may naisip tayong bagay na puwede nating ibenta, kung tayo ba ang mamimili, bibilhin ba natin mismo ang nasabing produkto? Tayo ba mismo, willing gumastos ng ganung halaga para doon? Nagtitinda ako dati ng mga produkto ng dalawang commercial company nung nasa college pa ako. Masasabi kong madaling magtinda ng bagay na tinatangkilik mo mismo.


Ano sa palagay n’yo? Isang business idea: produktong in demand at abot-kayang bilhin—kung gusto nating kumita sa pagtitinda bilang sideline. Pero dapat interesado tayo, unang-una, sa itinitinda natin. Tapos magsimula lang muna sa maliit. Kung gusto nating medyo malaking kapital, ayos din naman kung mag-ayuno muna tayo sa pagbili ng kung anu-ano na puwede namang ipagpa-next year ’no. Kaunting tipid, kaunting tiis, kaunting tiyaga, equals maraming nilaga.


Magandang idea rin kung magtanung-tanong sa merong alam tungkol sa pagnenegosyo. May naisip na ba kayong kakilalang parang ang galing humawak ng pera sa negosyo niya? Puwede rin tayong magbasa ng mga magasin at libro tungkol sa negosyo. Malaki ang naitutulong ng impormasyon kung magagamit natin sa tama. Kasi, ang negosyo, dapat kumita. Kung di rin lang kikita, walang silbi ang negosyo. Di ba—Yes, or no? Yes! Sige, mamakyaw na tayo sa Divisoria, pang-buy and sell? O, mag-member na tayo sa mga direct marketing? Magtinda na rin tayo ng juice sa village natin? Sandali, kailangan natin ng calculator. Kailangan din ng papel para sulatan ng ideas at mga hakbang na dapat gawin para

kumita. Hmmm, medyo mabagal ako mag-isip, kaya habang wala pa akong naiisip, itatabi ko muna ang mga natitipid. At least, meron na tayong idea.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



DAGDAG-KITA


No comments:

Post a Comment