Monday, November 11, 2013

Daan-daang pasahero istranded na sa Caraga

DAAN-DAANG mga pasahero ang istranded ngayon sa daungan ng Lipata, Surigao del Norte dahil kay Zoraida.


Dahil dito, matinding preparasyon na ang ginawa ng awtoridad sa inaasahang pag-landfall ng bagyong Zoraida sa Surigao del Sur mamayang alas-11:00 ng umaga na makaaapekto sa mga karatig probinsya sa rehiyon ng Caraga.


Panaka-nakang pag-ulan naman ang nararanasan ngayon sa halos buong rehiyon.


Kinumpirma ni Zenmond Duque, commander ng Philippine Coast Guard station ng Surigao City, na ipinatupad na nila ang “no sail policy” sa lahat ng uri ng sasakyang-pandagat kung umapela sa vessel owners at operators na tumalima sa nasabing kautusan upang makaiwas sa disgrasya.


Nagresulta naman ito sa pagka-stranded ng daan-daang mga pasahero sa daungan ng Lipata, Surigao del Norte.


Ayon kay Danilo Sabial, staff ng isang Shipping Lines, kasamang na-stranded ang mga pasaherong mula sa limang bus na galing Davao at papunta sana sa Visayas at Luzon .


Habang sa Dinagat Island, ipinatupad na ang pre-emptive evacuation sa mga residenteng nasa baybayin at gilid ng ilog.


Samantala, nananatiling stranded pa rin ang may 6,000 turista sa Boracay dahil sa nakaraang bagyong Yolanda.


Ayon sa Department of Tourism sa Boracay, inaasahang balik normal na ngayong araw ang operasyon ng Kalibo International Airport.


Wala namang naitalang namatay sa Boracay bunsod ng pananalasa ng bagyo.


The post Daan-daang pasahero istranded na sa Caraga appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Daan-daang pasahero istranded na sa Caraga


No comments:

Post a Comment