Tuesday, November 12, 2013

Crucis, llamado sa Amb. Cojuangco Cup

Hindi na magaganap ang inaantabayanang labanan ng dalawang matinding kabayo, ang imported na Crucis at ang local champion na Hagdang Bato, matapos na ipalabas ang listahan ng mga deklaradong kabayo para sa 2013 Amb. Eduardo Cojuangco Jr. Cup na gaganpin ngayong Linggo sa MetroTurf sa Malvar, Batangas.



Puro mga imported na kabayo kasi mula sa Australia ang nakahandang maglaban para sa kabuuang premyong P2 million na inihanda ng Philippine Racing Commission.


Ang mga sumali sa karerang ito na hahataw sa distansiyang 2,000 meters ay kinabibilangan ng Crucis ni dating Philracom commissioner Marlon Cunanan, Gentle Irony ni Atty. Narciso Morales, Juggling Act at Oh Oh Seven ni Herminio Esguerra, Kornati Islands ni Ding Pangilinan at Tritanic ng RMR Equine.


Ang karera ay sadyang naging kampeonato para sa imported runners kahit na puwedeng sumali ang locals.


Ang listahang ito ang nagpatunay na hindi na muna magaganap ang inaasahang paghaharap sana ng Crucis at Hagdang Bato, ang Horse of the Year noong nakaraang taon.


Dahil dito, naging paborito ngayon ang Crucis dahil na rin sa ipinakikita nitong galing sa mga nakaraang laban nito.


Masyadong naging impresibo ang panalo nito sa Jockey Elias Race na nagsilbing ikalima at huling leg ng Philracom Imported-Local Challenge Serie noong Setyembre 21. Sinundan nito ang kanyang naging panalo sa archrival na Juggling Act sa Atty. Rodrigo Salud Race, siyang fourth leg ng serye noong Agosto 4.

Parehong naging segundo ang

Juggling Act sa dalawang okasyon na

iyon. Sa Atty. Salud Race, pumangatlo

ang Tritanic, ikaapat ang Oh Oh Seven

at ikaanim at kulelat ang Gentle

Irony.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Crucis, llamado sa Amb. Cojuangco Cup


No comments:

Post a Comment