Tuesday, November 19, 2013

Cristine, good girl na may topak

MAHAL na mahal ng Dreamscape unit ni Deo Endrinal si Cristine Reyes. Katatapos lang ng Bukas Na Lang Kita Mamahalin pero heto at mapapanood na uli siya ngayong gabi sa Honesto bilang leading lady ni Paulo Avelino.



“Very happy ako na na-consider akong maging part ng Honesto dahil according sa kanila, natapos na raw ang Bukas Na Lang Kita Mamahalin and okay naman daw ang performance ko, kaya happy ako na pagkatapos ng Bukas Na Lang Kita

Mamahalin last Friday, this week, meron namang Honesto,” bungad ni Cristine sa solo presscon niya noong Lunes sa Restaurant 9501.


Kaya si Cristine na ang ‘babaeng walang pahinga’ ngayon.


“Mas gusto ko na ‘yung walang pahinga kaysa puro pahinga. Kasi, if ever naman na marami akong trabaho, nakakapag-request naman ako like for example meron akong abroad ‘pag may work ako do’n, nakakapag-request naman ako sa Viva (her management) na puwedeng mag-extend like two days, pinapayagan naman nila ako, hindi naman sila mahigpit,” sabi ng aktres.


Nurse ang papel ni Cristine sa Honesto, siya ang mag-aalaga sa maaaksidenteng karakter ni Paulo. First time nilang tambalan ito. Nakapag-taping na sila ni Paulo, pero, “Ako lang ‘yung puro nagsasalita, nakahiga lang siya du’n (kasi comatose).”


Excited din si Cristine sa Honesto dahil gustung-gusto niya at cute na cute siya sa batang bida nila na si Raikko Mateo at ina min niyang hindi siya mahihirapang makatrabaho ang bagets dahil personally ay mahilig siya sa bata at good girl ang role niya.


“Actually, hindi po pressured ( sa role) kasi good girl naman talaga ako, ‘kaso nga lang minsan may moments na ano (may topak), ‘yun lang naalanganin, kung merong ‘something’.


“I try my best na maging good girl naman po but hindi ko naman dine-deny na may pagka-bad girl din naman ako. Yes, para po sa inyo, magpapakagood girl ako, para sa show na ito at sa ABS-CBN, ayoko po silang i-fail,” say ni AA.


Ipinagtanggol naman ni Rondel Lindayag si Cristine, hindi raw totoo ang bad image nito, ni minsan ay hindi raw siya naging sakit ng ulo sa mga project nito sa Dreamscape tulad ng Dahil sa Pag-Ibig, Bukas Na Lang Kita Mamahalin at itong Honesto.


Samantala, tinanong ang aktres tungkol sa binanggit niyang press release lang ang break-up nila ni Derek Ramsay nang tanungin siya ni Vice Ganda sa GGV.


“Joke lang ‘yun. Kasi mapagbiro akong tao and hindi naman siguro kasi sanay ang mga tao na nakikita nila ako as me, Cristine Reyes … na ako talaga. So hindi talaga alam ng mga tao na playful ako and mapagbiro. Kung alam lang nila kung gaano ako kakikay. Actually, tamed pa ‘yung sa TV,” natawang sabi niya.


Ano nga ba ang trulili, hiwalay na sila?


“Okay, to clarify, para maniwala kayo, 00, nakakausap ko almost everyday (si Derek), si Rayver (Cruz, ex-boyfriend din niya), ganu’n din. Even si Rayver minsan, binibisita ko pa sa bahay nila.


“So, alam mo ‘yun? Hindi porke’t nakakausap ko pa ‘yung ex ko, kami pa rin at ‘tinatago ko ‘to. It’s just that I want to keep the friendship with them dahil hindi biro ‘yung ilang taong pinagsamahan namin and ‘yung friendship, bina-value ko ‘yun,” paliwanag niya.


Close rin ba sila ni Dennis Trillo na ex-boyfriend din niya?


“Okay kami ni Dennis, pero mas nakakasama ko ang mga kapatid niya, parents niya,” sagot ng aktres.


Dumadalaw rin ba siya sa condo unit ni Dennis?


“Kasama ko mga kapatid niya,” mabilis ding sagot sa amin. – Reggee Bonoan


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Cristine, good girl na may topak


No comments:

Post a Comment