Wednesday, November 6, 2013

Collantes, tanggalan ng lisensiya—PISTON

Umapela ang mga kasapi ng Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Opereytor Nationwide (PISTON) sa Integrated Bar of the Philippines na tanggalan ng lisensiya si Attorney King George Leandro Antonio Collantes, anak ng kongresista ng lalawigan ng Batangas, dahil sa panggugulpi sa isang matandang jeepney driver kamakailan.



“Mariin naming kinokondena ang abugadong chief of staff at anak ni Batangas 3rd District Cong. Sonny Collantes na si Atty. King George Leandro Antonio Collantes sa ginawa niyang panggugulpi sa 66-anyos na senior citizen jeepney driver na si Orlando Garcia sa loob ng kanyang minamanehong pampasaherong jeepney,” pahayag ng militanteng transport party-list group PISTON.


Batay sa ulat sa media, naganap ang insidente noong Oktubre 29 sa Barangay Kapitolyo sa Pasig nang makunan ng video si Collantes na ginugulpi si Garcia sa harap mismo ng apo nito habang nakasakay sa jeep.


“Nagkakamali itong si Atty. Collantes kung inaakala niya na porke siya ay Chief-of-Staff ng kanyang amang si Congressman Collantes ay may lisensya na siyang maging maton at manggulpi ng karaniwang tao,” sabi ni PISTON national president George San Mateo. – Bella Gamotea


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Collantes, tanggalan ng lisensiya—PISTON


No comments:

Post a Comment