Sunday, November 10, 2013

Christmas decor na kontaminado ng lead, nagkalat

Nagbabala sa publiko ang isang environmental group laban sa mga Christmas decoration na nagtataglay ng labis na dami ng mapanganib na kemikal, makaraang makabili ang grupo ng 62 pangdekorasyon na positibo sa lead.



Sa pag-iinspeksiyon sa iba’t ibang tindahan mula Oktubre 25-28, sinabi ni Thony Dizon, coordinator ng EcoWaste Coalition Project Protect, na ang mga nasabing produkto na nagkakahalaga ng P15-P199 ay nabili mula sa mga retail shop at tiangge sa Divisoria at Quiapo sa Maynila; Monumento sa Caloocan City; at Nepa-Q-Mart sa Quezon City.


Una nang nagpalabas ng kaparehong babala ang EcoWaste Coalition laban sa labis na lead sa Christmas lights, na mabentangmabenta ngayong ilang linggo na lang at Pasko na.


Gamit ang x-ray fluorescence (XRF) analytical device, sinuri ng grupo ang Christmas balls, bells, foliage, garlands, lanterns, trees, trinkets, serving platters at table decorations na nagtatampok ng mga pamilyar na character, gaya nina Santa Claus at Frosty the Snowman.


Sinabi ni Dizon na umaabot hanggang 23,500 parts per million (ppm) ang lead na nasuri sa 50 samples, higit sa reference value na 90 ppm. Ang 12 pang ibang sample ay positibo naman sa antimony, arsenic, cadmium o chromium, na labis-labis din ang level.


“Lead is dangerous even at low levels; hence the need to curb all avoidable sources of exposure as much as possible, including lead in paint, dust and soil and, of course, in consumer products,” ani Dizon.


“Children are most prone to lead exposure because their bodies are still developing and they tend to explore their surroundings by touching, tasting, biting or chewing anything they can get their hands on, including the power cord of Christmas lights and the trimmings and trinkets of a Christmas tree,” dagdag niya. – Chito Chavez


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Christmas decor na kontaminado ng lead, nagkalat


No comments:

Post a Comment