Monday, November 25, 2013

Celtics binitbit nina Crawford at Wallace

MULING pinangunahan nina Jordan Crawford at Gerald Wallace ang Boston Celtics para talunin ang Charlotte Bobcats, 96-86.


Si Crawford ay kumana ng 21 points habang ang reserve na si Wallace ay may ambag na season-high 17 points.


Si Brandon Bass ay gumawa ng 16 points habang si Phil Pressley ay nagtala ng career-high na 8 assists.


Nanguna naman sa Bobcats si Kemba Walker sa kanyang 28 points.


Nakagawa ng season-high na 26 points si George Hill habang 26 points din ang ambag ni Paul George para pangunahan ng dalawa ang panalo ng Indiana Pacers kontra Minnesota Timberwolves; 98-84.


Ito ang 4th-straight wins ng Indiana matapos ang masaklap na pagkatalo sa laro kontra Chicago Bulls.


Si Kevin Love ay mayroong 20 points at 17 rebounds.


The post Celtics binitbit nina Crawford at Wallace appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Celtics binitbit nina Crawford at Wallace


No comments:

Post a Comment