Nais ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto na bawasan ang budget sa komunikasyon at biyahe sa mga ahensiya ng gobyerno.
Ayon kay Recto, aabot sa P1.7 bilyon ang mawawalang budget sa biyahe at komunikasyon ng mga ahensiya ng gobyerno na maaaring gamitin sa pagpapagawa sa 900 bunkhouse upang magamit ng 10,800 pamilyang naapektuhan ng mga nakaraang kalamidad.
“By simply deducting P500 million from the bureaucracy’s P12.3 billion travel fund for 2014, we can already build 900 temporary bunkhouses that can house 10,800 families. By lopping off P1 billion from the P12.1 billion allotted for utilities like electricity and water, we can have the money to repair 3,000 classrooms,” paliwanag ni Recto.
Ginawa ni Recto ang pahayag matapos umpisahan ang deliberasyon sa panukalang P2.268-trilyon 2014 budget.
Aniya, maging ang paggamit ng cellphone ay dapat din na bawasan at tiyak na maraming mangingisda ang makikinabang lalo na sa mga lugar na nasalanta ng bagyo at lindol.
“Kaltasan lang po natin ng P200 million ang P4.7 billion na budget para sa text-talk-and-chat, ay puwede na po tayong magpagawa ng 20,000 banca para sa mga mangingisda,” paliwanag pa ni Recto.
Sinabi pa ni Recto na dapat ding ilipat sa pondo para sa rehabilitasyon ang P30-bilyon ng risk management program at P25 bilyon ng debt management program na maaaring gamitin sa pagkukumpuni ng mga ospital at silid-aralan. – Leonel Abasola
.. Continue: Balita.net.ph (source)
No comments:
Post a Comment