Thursday, November 7, 2013

Carla super kilig sa pagpayat ni Geoff

MABUTI at sinunod ni Geoff Eigenmann ang request ng GMA 7 sa actor na mag-reduce dahil sobrang tumaba, nagpatubo pa ng bigote at nagpahaba rin ng buhok.


Kaya naman ngayong bumalik na ang kahit medyo mataba pa niyang katawan at ibinalik ang clean look ay kaagad siyang isinama sa Adarna na pagbibidahan ni Kylie Padilla.


Isa sa super saya sa pagbabalik ni Geoff ay ang kanyang girlfriend na si Carla Abellana.


Sabi nga ni Carla, hindi raw niya maiwasang kiligin sa laki ng ipinagbago ng boyfriend.


Cute na cute nga raw ngayon ang boyfriend lalo na nang makita niya ito matapos ang makeover.


Dalawang beses na niyang nakita at nakasama si Geoff pero parang di raw siya sanay sa clean cut look ng boyfriend.


Pagmamalaki pa ni Carla na super guwapo ni Geoff sa bago nitong pangangatawan at bagong hitsu- ra. Mga 50 pounds raw kasi ang nabawas

sa timbang ng boyfriend.


Tsika pa ni Carla, handa na raw siya sa mga babae magkaka-crush kay Geoff. Katunayan, isa raw ito sa nagpapa-excite sa kanya dahil nangangahulugan lang na successful ang ginawang paghihirap sa pagre-reduce ng boyfriend.


Sinisiguro ni Carla na wala nang magaganap na selosan sa kanila ni Geoff dahil matatag na ang kanilang pagmamahalan.


Itinanggi ni Carla na muntik na silang magkahiwalay ni Geoff noong panahon na ginagawa niya ang My Husband’s Lover.


Hindi lang daw sila madalas magkita ng magkasama dahil busy raw siya sa taping ng teleserye at abala naman ang boyfriend niya sa pagwu-work out.


Ngayong wala nang ginagawang serye si Carla at puro shooting lang ng dalawa niyang movie ang kanyang sched kaya madalas na silang nagkikita ni Geoff.


Malaki raw ang nagagawa ngayon ng technology para sa mga magkakasintahan gaya nila ni Geoff.


Kahit na hindi sila nagkikita ng actor ay lagi naman silang nagtatawagan at nagkakamustahan sa text.


The post Carla super kilig sa pagpayat ni Geoff appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Carla super kilig sa pagpayat ni Geoff


No comments:

Post a Comment