Monday, November 25, 2013

Canadian operator ng int’l online casino hinahanting

HINAHANTING ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang isang Canadian national na operator ng international online casino na sinalakay ng PNP-CIDG noong nakaraang Biyernes.


Sa impormasyong nakalap ng CIDG-NCR, ang nasabing Canadian ay kabilang din sa most wanted list ng Homeland Security ng Estados Unidos.


Ayon kay CIDG-NCR C/Supt. Roberto Fajardo, nasa pangatlo sa Top 10 most wanted ng Department of Homeland Security ng Amerika si Calvin Ayre, alyas Calvin Wilson.


Ani Fajardo, si Ayre ang utak ng Bodog Empire na iligal na nag-ooperate ng online gambling sa Pilipinas.


Sinabi ng opisyal na walang lisensiya si Ayre para mag-operate sa bansa.


Magugunita na noong Biyernes, sinalakay ng CIDG-NCR ang tatlong opisina sa Makati at isa sa Quezon city na nag-ooperate ng illegal gambling.


Ipinalabas na ang mga online gambling ay isang call center.


Nakumpiska sa mga opisina ang iba’t ibang gadget gaya ng mga server, router, laptop computer at mga telepono.


Dagdag pa ni Fajardo, sasampahan nila ng kaso sina Ayre at incorporators ng Bodog Empire sa Pilipinas partikular ang paglabag sa RA 8484 at ng RA 8297 o Anti-illegal Devices Act.


The post Canadian operator ng int’l online casino hinahanting appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Canadian operator ng int’l online casino hinahanting


No comments:

Post a Comment