Wednesday, November 13, 2013

Bus companies: Libreng sakay ng relief goods

Ni Kris Bayos


Sa gitna ng biglang pagtaas ng presyo ng petrolyo sa Visayas, nag-alok ng libreng serbisyo ang mga operator ng public utility bus at private cargo trucks upang maibiyahe ang relief goods sa mga nasalantang lugar nang hindi na umaasa ng pondong panggasolina mula sa gobyerno.



Sinabi ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Atty. Winston Ginez na hindi lamang nag-alok ng libreng biyahe ang mga operator ng bus at truck ngunit maging ang serbisyo ng kanilang mga driver at gamit ng sasakyan.


Nakipagpulong si Ginez sa mga operator ng truck at bus upang silay ay makatulong sa mobilization plan ng Department of Transportation and Communication (DoTC) upang maibiyahe ang relief goods, gamot, construction materials at iba pang materyal na tulong para sa daan libong naapektuhan ng bagyong “Yolanda.”


“No one asked for fuel subsidy from the operators who volunteered. They will shoulder the cost,” aniya.


Kabilang sa mga nag-alok ng tulong ay mga miyembro ng Philippine Bus Operators Association of the Philippines (PBOAP), DLTB, Philtranco, Genesis, Titan Bus, Santrans, Cerex at Metro Bus.


Kahapon ay nagsimula na ang pagkakarga ng may 50,000 kahon ng relief goods mula Metro Manila patungong Visayas matapos ideklara ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na maaari nang daanan ng mga sasakyan ang mga lasangan na naapektuhan ng super typhoon “Yolanda.”


“Starting this Wednesday, public buses and trucks will be deployed to designated calamity stricken areas. Nakipag-ugnayan na po kami sa mga bus operators natin para tumulong sa relief operations na isinasagawa ng iba’t ibang departamento ng ating gobyerno para matulungan ang mga nasalanta ng bagyong Yolanda,” ani Ginez.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Bus companies: Libreng sakay ng relief goods


No comments:

Post a Comment