Monday, November 4, 2013

Bradley, gustong muling makaharap si Pacman

Gusto ng kampo ni WBO welterweight champion Timothy Bradley na burahin na ang kontrobersiyang nakabalakid sa kanyang tagumpay kontra kay eight division champion Manny Pacquiao.


Ayon kay Joel Diaz, trainer ni Bradley, matagal na nilang gustong tapusin ang debate hinggil dito kung kaya hinihiling nilang maka-rematch ng walang talong WBO welterweight champion si Pacquiao.



“Honestly, after that fight, I was happy,” pahayag ni Diaz sa latimes.com. “When the bell rang, whether they gave us the decision or not, he was a winner. He went 12 rounds with Manny Pacquiao, the most devastating puncher in the business, and he was clean. And he had a broken ankle and he didn’t run. He was in front of Manny Pacquiao all night. But a lot of people don’t see that.”


Pagkatapos ng laban, ipina-review ng WBO ang kontrobersiyal na panalo ni Bradley sa limang hurado ng samahan at napatunayang dapat nagwagi ang Pinoy boxer sa unanimous decision peo walang nagawa si WBO president Paco Varcalcel para baguhin ang desisyon ng ng dalawang huwado sa Las Vegas, Nevada na pumabor sa kanilang kababayan na naospital matapos ang laban.


Naunang inalok si Bradley na makalaban si Pacquiao sa huling bahagi ng taong ito sa halagang $6 milyon. Gayunman, tinanggihan ito ni Bradley at sinagupa si Juan Manuel Marquez sa mas mababang presyong $4.1 milyon. (Gilbert Espena)


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Bradley, gustong muling makaharap si Pacman


No comments:

Post a Comment