Saturday, November 23, 2013

Botante sa Zambo City, bawal magdala ng backpack

Naglabas ng ilang paalala ang pamunuan ng Commission on Elections (Comelec) sa mga botante sa Zamboanga City kaugnay ng idaraos na special barangay elections sa lungsod sa Lunes, Nobyembre 25.


Sa Twitter account ng Comelec, ipinaalala ng Comelec sa mga botante na bawal ang pagdadala ng mga backpack sa loob ng polling centers.



Nilinaw ng poll body na bahagi ito ng ipinatutupad nilang security measures para sa halalan.


“Comelec-Zambo Advisory: NO backpacks inside polling centers on election day as part of the security measures,” bahagi ng tweet ng poll body.


Nabatid na isa sa mga pinagiingatan ng Comelec ay ang posibilidad na magtago ng mga pampasabog sa backpack ang ilang tao na nais maghasik ng kaguluhan sa eleksiyon.


Magtatapos na ngayong Sabado, Nobyembre 23, ang campaign period sa lungsod, na nagsimula noong Nobyembre 15.


Matatandaang ipinagpaliban ng Comelec ang barangay elections sa Zamboanga City noong Oktubre 28 dahil sa 23-araw na bakbakan doon ng militar at Moro National Liberation Front (MNLF) noong Setyembre. – Mary Ann Santiago


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Botante sa Zambo City, bawal magdala ng backpack


No comments:

Post a Comment