Thursday, November 7, 2013

Birthday party, pinaulanan ng bala, 1 patay

Naging madugo ang masayang selebrasyon ng isang birthday party, makaraang paulanan ng bala ng riding-in-tandem ang mga nagiinuman na nagresulta sa pagkamatay ng isang binata at ikinasugat ng lima katao sa Caloocan City, noong Miyerkules ng gabi.



Patay na nang idating sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) Si Raniel Ramirez, 19, ng No. 859 Sipac, Almacen ng nasabing lungsod, matapos magtamo ng tama ng hindi pa mabatid na kalibre ng baril sa ibat-ibang bahagi ng katawan.


Isinugod naman sa Tondo Medical Hospital ang lima pang biktima na hindi batid ang mga pangalan na tinamaan din.


Ayon sa report, bandang 10:00 ng gabi, nag-iinuman sina Ramirez kasama ang limang iba pa sa Lapu-Lapu Avenue, North Bay Boulevard South (NBBS), dahil kaarawan ng isa sa mga nasugatan.


Ilang sandali ang lumipas biglang sumulpot ang dalawang suspek na magka-angkas sa motorsiklo at walang habas na pinaputakan ang mga nagiinuman. – Orly L. Barcala


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Birthday party, pinaulanan ng bala, 1 patay


No comments:

Post a Comment