Thursday, November 7, 2013

Binibiling langis, dapat legal—Libya

TRIPOLI, Libya (AP)— Nagbabala ang gobyerno ng Libya noong Miyerkules sa mga kumpanya ng langis na huwag bumili mula sa mga export terminal na sinamsam ng mga militia sa silangan ng bansa.



Sa madiiing salita sa mga oil terminal, sinabi ng gobyerno na ang mga ganitong transaksiyon ay “blatant violation” sa soberanya ng Libya at “crime” na may katapat na parusa sa ilalim ng batas. Inilista na ng gobyerno ang mga kampanya na nagtatangkang bumili ng langis at under surveillance na ang mga ito. Inatasan na ang air and naval forces “[to] confront any vessels (na lumalabag sa kautusan) with force, arrest and detention,” saad sa pahayag.


Simula nang agawin ng mga militante ang mga oil terminal, bumaba ang oil production ng Libya ng 1.4 milyong bariles bawat araw sa ilang daan bawat araw.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Binibiling langis, dapat legal—Libya


No comments:

Post a Comment