Monday, November 18, 2013

Binata utas sa agaw-kuwintas sa Caloocan

PATAY ang isang binata matapos saksakin ng binatilyo na umagaw sa kuwintas ng nakababatang kapatid ng una sa Caloocan City kagabi, Nobyembre 17.


Dead on arrival sa Tondo General Hospital sanhi ng saksak sa dibdib si Russel Reboredo, 20 ng Cadena de Amor St., nasabing lungsod.


Pinaghahanap naman ng mga pulis si Mark Anthony Aliga, 17 ng L. Nadurata St., ng lungsod.


Sa ulat, alas-9 kagabi, naglalakad ang nakababatang kapatid ng biktima na hindi na nakuha ang pangalan sa Champaca St., nang hablutin ng suspek ang suot na kuwintas ng una.


Umuwi ang naagawan ng kuwintas at nagsumbong sa biktima na binalikan ang suspek at komprontahin hanggang sa magsuntukan.


Nabunot ng suspek ang dalang patalim bago itinarak sa biktima at tumakas habang dinala ang huli sa TGH.


The post Binata utas sa agaw-kuwintas sa Caloocan appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Binata utas sa agaw-kuwintas sa Caloocan


No comments:

Post a Comment