Wednesday, November 20, 2013

Binagyo, pinag-iingat sa illegal recruiters

Binalaan ni Labor Secretary Rosalinda Baldoz ang mga residente ng Eastern Visayas, na kinabibilangan ng Eastern Samar, Western Samar, at Leyte, gayundin ang mga kalapit nitong mga lugar na naapektuhan ng bagyong ‘Yolanda’, na maging maingat sa mga illegal recruiter.



“The same warning applies to those who have left affected provinces and have gone to Metro Manila, Cebu or elsewhere, as

they too may be vulnerable to illegal job offers and exploitative practices,” pahayag ng kalihim.


Ayon kay Philippine Overseas Employment Administration (POEA) Chief Hans Leo J. Cacdac, ang illegal recruiters ay nangangalap ng mga magtatrabaho sa ibang bansa nang walang kaukulang lisensiya mula sa POEA.


Sinabi ni Cacdac na nagsasamantala ang illegal recruiters sa mga nais kumita, upang mapalitan ang nawala sa pananalasa ng kalamidad.


Una nang nagpalabas ang POEA ng katulad na babala sa mga residente ng mga lugar na niyanig ng lindol sa Bohol at Cebu, at maging sa mga apektado ng bakbakan sa Zamboanga City siege.


“I advise applicants from the calamity areas to verify with the POEA, the Overseas Workers Welfare Administration, or the Department of Labor and Employment if the recruiter has a valid license or authorization to recruit OFWs before accepting any job offer,” ani Cacdac. – Mina Navar ro


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Binagyo, pinag-iingat sa illegal recruiters


No comments:

Post a Comment