Tuesday, November 19, 2013

Bidding sa pagbili ng bagong military aircraft, pinaiimbestigahan

Hiniling ngayon na imbestigahan ng Department of National Defense (DND) ang nabigong bidding para sa pagkuha ng Medium Lift Fixed Wing Aircraft na nagkakahalaga ng P5.3 bilyon.


Napag-alaman na tatlong kumpanya ang sumailalim sa bidding process, ang Alenia Aermacchi, EADS Casa Air Bus Military at PT Dikrgantara Indonesia/ Indonesian Aerospace (IAe/Persero) subalit idineklara itong bigo ng DND Bids and Awards Committee noong Nobyembre 11, 2013.



Ang pagdeklarang bigo ng DNDBAC ay bunsod sa hindi pagsunod sa paglalathala ng supplemental bid pitong araw bago ang bidding process.


Nabatid na sa halip na Nobyembre 4 dapat na ipinaskil sa PHilGEPS website at Nobyembe 5 naipatupad, taliwas sa nakasaad sa batas na dapat ay pitong araw bago ang bidding.


Bukod dito, naantala pa ng kalahating oras ang pagsasara ng bidding dahil sa kahihintay sa mga kumpanya na nagpasa ng kanilang mga requirement para sumali sa bidding.


Dahil dito, nanawagan ang mga kumpanya kay DND Secretary Voltaire Gazmin na imbestigahan ang pumalpak na bidding process kasabay na rin ng pag-amin ng BAC na nagkamali sila at itinakda ang petsa ng susunod na bidding.


Kamakailan ay isang bid bulletin naman ang nilagdaan ni Defense Undersecretary Fernando Manalo para sa pagbili ng tatlong brand new search and rescue seaplane na nagkakahalaga ng P .67 bilyon at itinakda ito sa Nobyembre 29, 2013, 10:00 ng umaga. – Jun Fabon


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Bidding sa pagbili ng bagong military aircraft, pinaiimbestigahan


No comments:

Post a Comment