Wednesday, November 13, 2013

BFAR walang Christmas party

Wala na munang Christmas party ang mga empleado ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) at sa halip ay magbibigay sila ng donasyon sa mga sinalanta ng bagyo sa Visayas.


Kinumpirma ni BFAR Director Asis Perez na walang Christmas party sa Disyembre at ibibigay na lamang ang gagastusin sa mga sinalanta ng bagyong Yolanda.



Aniya, ipinag-utos na sa mga sangay ng BFAR sa buong bansa na ibigay na lamang ang gagastusin sa Christmas party sa mga biktima. Ang matitipid nila ay ipambibili ng relief goods na ipamamahagi sa mga biktima ng bagyo.


Magtutungo si Dir. Perez sa Visayas area upang personal na ipaabot ang tulong ng BFAR, partikular sa mga mangingisda na madalas huling naabutan ng tulong. – Jun Fabon


.. Continue: Balita.net.ph (source)



BFAR walang Christmas party


No comments:

Post a Comment