Wednesday, November 20, 2013

Bea Binene at Jake Vargas, mas sweet sa kanilang ‘balikan blues’!

AFTER five days lang pala buhat ng surprise na pagdalo ni Jake Vargas sa birthday bash ni Bea Binene na ginawa sa isang hotel, nagbalikan na ang dating magkatipan. Hindi na pinatagal nina Bea at Jake ang kanilang muling paglalapit sa isa’t isa dahil may pagmamahal pa ring namamagitan sa kanila.


Noon ngang special birthday bash na ibinigay ng Artist Center kay Bea sa Crowne Plaza Hotel sa Ortigas Center. Damang-dama ng mga dumating ang pagmamahal ni Jake kay Bea nang kantahan ng young actor ang birthday celebrant ng isang love song. Feel na feel sa kanta ang damdamin ni Jake kay Bea.


Buhat nga ng nagkabalikan ang dalawa, inseparable na sila at laging magkasama sa mga lakaran. Para silang pulot ng putakti na sobra ang tamis ng pagtitinginan.


Balitang next year ay may hinahandang bagong soap opera kina Bea at Jake ang GMA 7. Sa ngayon ang programa nina Bea ay ang Vampire ang Daddy Ko na partner naman si Derrick Monasterio at ang Pepito Manaloto na katambal naman si Jake.


Kasama rin ang dalawa sa Sunday All Stars tuwing Sunday. May special participation din si Bea sa Good News na ini-air tuwing Saturday night sa GMA News TV Channel 11.


MARKADO ANG ROLE SA DORMITORYO


HABANG tumatagal ang Sunday afternoon series ng GMA 7 na Dormitoryo, lalong nakikilala ang kakayahan ni Ash Nordstrom sa acting. Sa ngayon siya ang pangunahing villain ng soap pero may split personality pala siya kaya kanyang nagagawa ang nakaririmarim na krimen.


Mabigat na role ang ibinigay ni Direk Jun Lana kay Ash dahil naniniwala ang award-winning di- rector na may kakayahan si Ash pagdating sa acting. Kahit siya’y 14 palang ngayon, magaling na siyang mag-internalize ng kanyang character.


Sa Dormitoryo, sa susunod na episode, mapupunta na si Ash sa mental hospital. Mabubuking na ng pulisya ang kanyang mga ginagawang krimen.


Sa totoo lang, hilig lang talaga ni Ash ang acting. Mas una siyang nakilala bilang multi-awarded figure skater noong siya’y grade school pa lang. More than 100 medals ang kanyang napanalunan noon. Tumigil lang sa skating nang siya’y mag-teenager na! Napunta ang atensiyon niya ngayon sa modelling at acting.


Kasalukuyang image model si Ash ng SM Malls. Soon to be image model din siya ng Petit Monde next year.


Balita namin sa GMA 7, next year ay may malaking balak ang network kay Bea. Isasama na siya sa soap sa evening primetime. Nakalabas na rin siya sa movie ni Direk Maryo J. delos Reyes, ang Bamboo Flowers bilang love interest ni Ruru Madrid. Unang soap ni Ash sa network ay ang Cielo de Angelina na half sister ni Bea Binene.


The post Bea Binene at Jake Vargas, mas sweet sa kanilang ‘balikan blues’! appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Bea Binene at Jake Vargas, mas sweet sa kanilang ‘balikan blues’!


No comments:

Post a Comment