Sunday, November 10, 2013

‘Be Careful…,’ ‘di pa tatapusin

RICHARD Yap and Jodi Sta. Maria


ITINANGGI sa amin ng isang ABS-CBN insider ang isyung nakarating sa amin na magwawakas na ang Be Careful With My Heart.


May mga nagsabi kasi na ang kasalang Sir Chief (Richard Yap) at Maya (Jodi Sta. Maria) ang magiging finale episode ng serye. Ayon sa kausap namin, maaring abutin pa raw ng Pebrero next year o mas lampas pa ang Be Careful With My Heart.


May magagandang magaganap pa raw sa teleserye at may maidagdag pa sa mga regular cast.



Hanggang sa ngayon ay napanatili ng Be Careful With My Heart ang mataas na ratings kaya tuwang-tuwa raw ang mga bosing ng Dos.


Ang management na rin daw ang nagdesisyon na pahabain pa ang kiligserye.


“Naku ‘yung mga nagsasabing medyo lumalaylay na raw ang istorya ng Be Careful With My Heart, eh, mali naman yata ‘yun. Dahil kung totoo ‘yun, eh, bibitawan na kami ng televiewers.


Kitang-kita n’yo naman, ang taas-taas pa rin ng rating namin, di ba?” baliktanong pa sa amin ng source namin. —Jimi C. Escala


.. Continue: Balita.net.ph (source)



‘Be Careful…,’ ‘di pa tatapusin


No comments:

Post a Comment