Saturday, November 23, 2013

Battle of Champions, ikinasa na

Isa pang benefit game na magbibigay ng kaukulang donasyon para sa mga mamamayang nasalanta ng bagyong ‘Yolanda’ ang ikinasa kung saan ay tampok ang UAAP champion De La Salle University at NCAA champion San Beda College.


Gaganapin ang nasabing laro sa Disyembre 7 sa Smart Araneta Coliseum.



Idaraos ang nasabing laban sa ganap na alas-12:00 ng tanghali bago ang nakatakdang double-header ng PBA.


Kasalukuyan pang pinaplantsa ang mga detalye para sa nasabing Battle of Champions ng organizer na FilOil Flying V Sports.


Para sa mga gutsong manood at sumuporta sa event, nagkakahalaga ang mga tiket ng P1,500 (patron), P1,000 (lower box), P800 (upper box A), P500 (upper box B), at P20 (bleachers). – Marivic Awitan


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Battle of Champions, ikinasa na


No comments:

Post a Comment