Sunday, November 24, 2013

Baseball: PAF, bigo sa Philab

Ipinamalas ng 2013 Philippine National Games (PNG) champion Philab ang matinding kampanya matapos pataubin ang Philippine Air Force, 7-3, sa eliminasyon ng PSC Chairman’s Baseball Cup.


Binubuo ng mga dating miyembro ng pambansang koponan, agad pumalo ng tig-dalawang runs sa unang tatlong inning ang Philab na sinandigan nito tungo sa pagsalo sa liderato sa 16 na koponang sa torneong magsisilbi bilang basehan sa

mga magiging miyembro ng national baseball team.



Nagtulong sina Francis Candela (1), Joseph Orillana (1), Jonash Ponce (2), Saxon Omandao (1), Denver Lagro (1) at Jennard Pareja (1) para sa pitong runs na tinampukan din ng 12 hits ng Philab.


“Nagpapasalamat kami dahil parang binabantayan pa rin kami ng aming yumaong presidente na si Hector Navasero habang naglalaro at para manalo,” sinabi ng coach na si Roel Empasis.


Hindi naman nakapaghiganti ang Air Force na nakakubra lamang ng tigisang run mula kina Ruben Angeles sa ikalawang inning at tig-isa kina Jerome Bacarisas at Christian Galedo sa ikalawang inning kontra Philab.


Matatandaan na nabigong iuwi ng Air Force ang gintong medalya sa nakaraang 2013 PNG matapos mabigo sa Philab noong Mayo.


Samantala, tatlong koponan naman ang inaasahang mapapatalsik sa torneo ngayong umaga sa pagsagupa ng mga nahulog sa losers bracket.


Sinusunod ng torneo ang format na double round elimination kung saan ang koponan na matatalo ng dalawang beses ay agad na mapapatalsik sa torneo.


Matatandaan na dalawang taon ding walang naging miyembro ng pambansang koponan na dapat sana’y kumatawan sa national baseball team.


Nakataya sa torneo ang premyong P50,000 para sa kampeon habang P25,000 sa runner-up kasama ang tropeo at team equipment. – Angie Torneo


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Baseball: PAF, bigo sa Philab


No comments:

Post a Comment