Sunday, November 10, 2013

Bantayan Island, ghost town na ngayon

ITINUTURING nang ghost town ang Bantayan Island makaraang salantain ng bagyong Yolanda.


Labis na ikinalungkot ng mga residente sa isla ng Bantayan sa Cebu ang kalunos-lunos na sinapit ng kanilang lugar matapos tumama ang supertyphoon Yolanda noong nakaraang linggo.


Ayon kay Myra Mae Catukyan, residente ng Santa Fe, Bantayan Island, 5 percent na lang ng mga kabahayan ang kasalukuyang nakatayo ngunit wala na itong mga bubong matapos ang malakas na bagyo.


Malaking problema sa kanila ang paghahanap kung saan kukuha ng pagkain sapagkat hanggang ngayon ay wala pa ring relief supplies na dumarating sa kanilang lugar.


Sinasabing maliban sa pagkain, higit din nilang kailangan ang malinis na tubig at mga damit dahil karamihan sa kanilang mga damit ay tinangay na noong kasagsagan ng bagyo.


Patuloy naman silang nag-aabang kung kailan maibabalik ang suplay ng koryente dahil higit nilang nararamdaman ang kawalan kung patuloy na madilim ang kanilang lugar.


Ang Bantayan Island ay isa sa mga tourist spot ng Cebu na dinarayo pa ng local at international tourists dahil na rin sa kagandahan ng isla na napapalibutan ng mala-pulbo sa puti na buhangin.


Sa kabilang dako, naipadala na ng Department of Social Welfare and Development Central Visayas (DSWD-7) ang halos 5,000 packs na relief goods papuntang Tacloban City.


Umakyat naman sa 49 ang bilang ng mga namatay sa probinsya ng Cebu matapos ang bagyo.


Samantala, walang pasok mula ngayon hanggang sa araw ng Biyernes, Nobyembre 15, ang mga paaralan ng 13 bayan ng northern Cebu.


Ito ay batay na rin sa anunsyo ng Department of Education matapos ang isinagawang assessment sa bayan ng Daanbantayan, Sta. Fe, Madridejos, San Remigio, Medellin, Tabogon, Borbon, Poro, Pilar, Tudela, San Francisco, Bantayan at Sogod.


The post Bantayan Island, ghost town na ngayon appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Bantayan Island, ghost town na ngayon


No comments:

Post a Comment