Thursday, November 14, 2013

Bangkay mula Leyte, inanod sa Dinagat Islands

SURIGAO CITY – Iniulat ng lokal na pamahalaan na ilang bangkay ang natagpuang palutang-lutang sa karagatan ng Dinagat Islands na pinaniniwalaang kabilang sa mga biktimang nasawi sa pananalasa ng super bagyong “Yolanda” sa karatig isla ng Leyte.


At dahil naaagnas at masangsang na ang amoy ng mga bangkay, nagdesisyon ang mga barangay official na pansamantalang ilibing ang mga ito sa mga pampublikong sementeryo upang mapangalagaan ang kalusugan ng mga residente. Isa-isa ring kinunan ng larawan ang mga nasawing biktima bilang bahagi ng proseso ng pagdodokumento.



Unang natagpuan ang isang bangkay sa baybayin ng Barangay Puerto Princesa, Basilisa, Danagat Islands dakong 8:30 ng gabi noong Martes.


Nadiskubre rin ng mga residente ang isa pang bangkay sa baybayin ng Barangay Kanihaan, Libjo, Dinagat Island dakong 9:30 ng umaga.


“It could not be identified because it is immensely decomposing and believed a victim of typhoon ‘Yolanda’ coming from the neighboring province of Leyte,” ayon sa ulat ng Libjo Municipal Police Station. – Mike Crismundo


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Bangkay mula Leyte, inanod sa Dinagat Islands


No comments:

Post a Comment