Sunday, November 3, 2013

Bakasyon sa Osaka, Japan, treat ni Kris kina Josh at Bimby

NGAYONG araw ang dating ni Kris Aquino galing ng limang araw na bakasyon sa Osaka, Japan kasama sina Josh at Bimby, yaya, at ang ever loyal staff nilang si Alvin Cagui at business unit head ng KrisTV at Buzz ng Bayan na si Louie Andrada.


JOSH, Bimby and Kris Aquino Balik-trabaho kaagad ang Queen of All Media para sa kanyang morning show dahil wala na Silang bangko at nag-replay na ang Kris Reali-TV noong nakaraang linggo.



Bago tumulak patungong Osaka ang TV host ay naging guest niya si Richard Yap para sa Wang Fu na bagong restaurant nito sa may Tomas Morato-Roces Avenue, Quezon City.


Nagpasalamat si Kris kay Sir Chief na hindi na natuloy ang sa Metro Manila Film Festival ang movie version ng Be Careful With My Heart.


”I’m so happy na hindi kayo sumali sa festival. Praise God,” sabi ni Kris kay Richard. “Kasi kami ang nag-benefit n’ yon, My Little Bossings, kasi same audience tayo, family audience. So, kayo namahinga, praise God, thank you so much. Parang sabi ko, what did I do to deserve this? Thank you.”


“Kasi I said, ikaw ang kalaban namin kaya nag-back out kami,” sagot naman ni Richard Yap.


Ang hectic schedule ng taping ng BCWMH ang idinahilan ni Richard kaya hindi sila natuloy sa MMFF.


“Well, what we all want is to do something new. But at this point in time, we are very happy. Blessed kami na we still have the show kasi lahat ng tao na who’s working with us may trabaho lahat,” katwiran pa ng tsinitong aktor.


Samantala, taposna ang shooting ng mag-inang Kris at Bimby para sa Little Bossings. Nag-treat ang TV host sa mga anak sa Japan dahil ito raw ang pangako niya sa kanyang little bossings. – Reggee Bonoan


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Bakasyon sa Osaka, Japan, treat ni Kris kina Josh at Bimby


No comments:

Post a Comment