Tuesday, November 5, 2013

Bagyong Yolanda papasok na bukas – PAGASA

PAPASOK na sa Pilipinas bukas ng umaga ang bagyong Yolanda at tutumbukin ang Eastern Mindanao at magla-landfall sa Samar area.


Patuloy ang pagpapaalala ng PAGASA sa mga lugar na posibleng dadaanan ng binabantayang malakas na bagyo.


Batay sa latest forecast ng PAGASA, ang typhoon ‘Haiyan’ o bagyong Yolanda, kapag pumasok na sa Philippine area of responsibility(PAR) ay huling namataan sa layong 1,560 kilometro Silangan ng Mindanao at taglay ang lakas ng hangin umaabot sa 120 kilometro kada oras at pabugsong 150 kilometro bawat oras.


Kumikilos ang nasabing sama ng panahon pa kanluran sa bilis na 30 kilometers per hour (kph).


Dahil sa lakas ng hangin na taglay nito, posibleng magtaas ng signal number 4 ang PAGASA.


The post Bagyong Yolanda papasok na bukas – PAGASA appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Bagyong Yolanda papasok na bukas – PAGASA


No comments:

Post a Comment