Sunday, November 3, 2013

Bagong LPA, binabantayan ng PAGASA

Posibleng mabuo bilang ika-23 bagyo ngayong taon ang isang low pressure area (LPA) na pumasok sa Philippine area of responsibility (PAR) kahapon.


Inihayag ni Joey Figuracion, weather specialist ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), na huling namataan ang nasabing sama ng panahon sa layong 870 kilometro, silangan ng Mindanao.



Tatawaging “Wilma” ang nasabing sama ng panahon kung tuluyang mabubuo bilang bagyo.


Ayon kay Figuracion, maaapektuhan ng LPA ang Mindanao dahil nakapaloob ito sa intertropical convergence zone (ITCZ) habang ang silangang Luzon at Visayas ay apektado naman ng easterlies.


Inaasahang uulanin din ang silangang bahagi ng Metro Manila sa susunod na mga araw.


Gayunman, sinabi ni Figuracion na sa taya ng PAGASA sa loob ng 24 oras ay maliit ang tsansang maging ganap na bagyo ang naturang LPA. – Rommel P. Tabbad


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Bagong LPA, binabantayan ng PAGASA


No comments:

Post a Comment