Tuesday, November 26, 2013

Bagong halal na barangay chief, kagawad, patay sa ambush

Ni Fer Taboy


Hindi pa man nakakapanumpa sa tungkulin, isang bagong halal na barangay chairman at kagawad ang pinagbabaril hanggang sa mapatay ng hindi nakilalang armadong kalalakihan sa Solsona, Ilocos Norte, kamakalawa ng gabi.


Nanawagan kahapon ng hustisya sa Philippine National Police (PNP) ang misis ng napatay na si Edgar Paraiso, nahalal noong Oktubre 28 na chairman ng Barangay Mariquet sa Solsona.



Nasawi rin sa pananambang si Barangay Kagawad Rogel Baguio, habang nasugatan naman ang walong taong gulang na anak ni Paraiso na agaw-buhay sa ospital.


Sinabi ni Catherine Paraiso, biyuda ng biktima, na wala siyang alam na dahilan upang patayin ang kanyang asawa maliban na lang sa pagkakapanalo nito bilang bagong chairman sa kanilang barangay.


Ayon sa imbestigasyon, kumakain ang mga biktima sa likuran ng grocery ng mga Paraiso nang pagbabarilin ang mga ito ng mga suspek.


Agad isinugod ang mga biktima sa Dingras District Hospital, subalit patay na nang idating sa ospital sina Paraiso at Baguio dahil maraming bala ang tumagos sa kanilang katawan.


Inilipat naman ang nasugatang bata sa Gov. Roque Ablan Sr. Memorial Hospital.


Tiniyak naman ni Ilocos Norte Police Provincial Director, Senior Supt. Gerardo Ratuita, na magsasagawa sila ng masusing imbestigasyon upang mapanagot ang nasa likod ng krimen.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Bagong halal na barangay chief, kagawad, patay sa ambush


No comments:

Post a Comment