Sunday, November 10, 2013

Bacolod City, nakaligtas kay Yolanda

Hindi maitago ang matinding tuwa sa bagong halal na alkalde ng Bacolod City na si Monico Puentebella matapos maiwasan ng super typhoon na si Yolanda ang kanyang nasasakupan at mapanatili ang kaayusan sa mga pasilidad na gagamitin sa paghohost nito sa national championships ng 2013 Batang Pinoy ngayong Nobyembre 19-24.



“We’re okay now. A “little miracle” happened here. We were in the eye of the storm and suddenly, after hitting the mountains of Cebu, it swerved everywhere left and right, and missed Metro Bacolod area,” sabi ni Puentebella, na lubhang ikinabahala ang posibleng pagkasira ng mga pasilidad bago ang pagdaan ng bagyo.


“Look at the weather website and no one can explain how it happened. Now, let the games begin. Welcome, future athletes of the Philippines!” ang masayang pahayag ni Puentebella.


May kabuuang 4,000 atleta, coaches at opisyal ang inaasahang pupunta sa Bacolod upang magpartisipa sa limang araw na kompetisyon para sa mga kabataan edad 15-anyos pababa kung saan 1,000 ang mula sa Luzon, 800 mula sa Visayas at 700 mula sa Mindanao.


Hindi pa kasama sa bilang ang mga mahuhusay na atleta ng Bacolod at Negros Occidental at orihinal na host ng national finals na Zamboanga City na diretsang makakasali sa torneo bilang insentibo sa pagho-host ng torneo.


Paglalabanan ng mga nagsipagkuwalipika ang kabuuang 20 isports na kinabibilangan ng arnis, athletics, badminton, basketball, boxing, chess, cycling, dance sport, futsal, karatedo, lawn tennis, sepak takraw, softball, swimming, taekwondo, table tennis, triathlon, wrestling, weightlifting at boys and girls volleyball.


Gayunman, hindi lamang gintong medalya ang nakataya sa torneo kundi pati na rin ang pagkakataon na makasama sa pambansang koponan na nakatakdang isabak sa mga internasyonal na torneo tulad ng Asian Youth Games, Youth Olympic Games pati na sa ASEAN School Games.


Nakatakda ring magtungo ang mga opisyales ng Philippine Volleyball Federation (PVF) sa torneo upang hanapin at pumili ng mga manlalaro na isasama nito sa national youth girls squad at sa Under 23 na isasabak nito saAsian Youth Girls Volleyball Championship 2014 and the Asian Under-23 Women’s Volleyball Championship 2015. – Angie Oredo


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Bacolod City, nakaligtas kay Yolanda


No comments:

Post a Comment