Monday, November 11, 2013

Asian Games Centennial, kanselado rin?

Magdedesisyon ngayong araw ang Philippine Olympic Committee (POC) kung itutuloy pa nito o tuluyan nang kakanselahin ang pagsasagawa sa bansa ng Asian Games Centennial celebration sa isla ng Boracay sa Kalibo, Aklan.


Ito ang pangunahing pag-uusapan sa pagsasagawa ngayon ng POC Board meeting sa opisina nito sa PhilSports Arena sa Pasig City.



“I am not authorized to issue any information on that but what I know is that the POC will issue an official statement with regards to that event,” sabi ni PSC Chairman Richie Garcia.


Itinakda ang selebrasyon ng ika-100 taon ng Asian Games na unang isinagawa sa Pilipinas noong 1913 sa darating na Nobyembre 28 at 29 kung saan inaasahan ang pagdating sa bansa ng kinikilalang mga personahe at opisyal ng sports sa mundo na kabilang sa International Olympic Committee (IOC) at Olympic Council of Asia (OCA).


Gayunman, nahaharap sa malaking problema ang POC sa pagkukunan nito at gagamiting pondo sa akitibidad lalo pa’t nahaharap ngayon sa matinding pangangailangan ang bansa dahil sa malawak na pagkasira at kahirapan na dulot ng super typhoon na si Yolanda.


Una nang humingi ng tulong ang POC sa mga Kongresista kung saan nakakuha ito ng pag-eendorso mula sa Department of Trade and Industry, PAGCOR, PCSO at katapat nito mismo ng PSC subalit inaasahan itong muling mahihirapan dahil sa situwasyon ng bansa partikular ang sakuna sa Leyte at Tacloban.


“In line with the situation our country is facing now, I don’t know if the government agencies tasked to produce the funds could reply to the situation,” sabi ni Garcia.


Matatandaan na bago isinagawa ang Asian Games, una nang isinasagawa ang pagsasama ng mga bansa sa Far Eastern Games na unang binuo noong 1912 sa pagitan ng Empire of Japan, ang Philippine Islands at China. Ang unang Games ay isinagawa sa Manila noong 1913 bago sumunod ang 10 pang edisyon hanggang 1934. (Angie Oredo)


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Asian Games Centennial, kanselado rin?


No comments:

Post a Comment