Tuesday, November 12, 2013

Arjo, natawa sa intrigang miyembro siya ng ‘federasyon’

BIGLAAN lang ang 23rd birthday party na ibinigay ni Sylvia Sanchez para sa panganay niyang si Arjo Atayde sa Passion restaurant sa Resorts World. Wala sa plano ‘yun dahil may taping dapat si Arjo sa araw na’yun.


Biglang nagkaaberya ang taping kaya nagdesisyon ang namamahala na kanselin at ipagliban sa ibang ang taping. Pero biglaan man ay punongpuno pa rin naman ng close friends at mga kapamilya ni Arjo ang naturang venue.



Pati nga mga tagahanga ni Arjo ay isa-isa pa ring nakarating. And take note, halos lahat ng mga ito ay may mga dala-dalang gift para sa kanilang idolo. Banggit ng isa sa kanila, “super mabait at maalaga si Arjo” sa kanila.


“Saan ka ba makakakita ng isang hinahangaang artista na halos araw-araw ay isa-isa kaming kinukumusta at kung may time pa ‘yan, eh, tinatawagan niya kami at inaalam kung okey lang kami,” sey ng fan.


Siyempre, tuwang-tuwa ang birthday celebrant dahil halos lahat ng malalapit sa puso niya ay kasama niya nang gabing ‘yun.


Present halos lahat ng mga kasamahan niya sa Dugong Buhay. Dumalo si Sunshine Cruz na lalo yatang gumaganda at pumayat (sumeksi) na bumagay naman sa kanya! Nasa party rin sina Christian Vasquez, Coleen Garcia, Empress Schuck, Yam Concepcion, Anna Capri at ilang Channel 2 executives.


Sa totoo lang, lalong masuwerte si Arjo dahil may super maasikaso siyang ina na tuwang-tuwa naman na super extend pa sa ere ang Be Careful With My Heart!


Samantala, natawa na lang si Arjo sa mga nang-iintriga sa kanya na isa raw siyang miyembro ng federasyon, huh! -Jimi C. Escala


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Arjo, natawa sa intrigang miyembro siya ng ‘federasyon’


No comments:

Post a Comment