Monday, November 4, 2013

Ariella Arida, best glam shot sa Miss Universe 2013

ARIEL Arida


UNTI-UNTING umaangat ang pambato ng Pilipinas na si Ariella Arida sa Miss Universe 2013 sa Moscow, Russia, matapos niyang masungkit ang titulong Ice Princess sa glam shoot ng pageant kamakailan.


Ayon sa media reports, si Ariella ang kinilalang pinakaglamorosa sa photo shoot na pinangunahan ng kilalang photographer na si Fadil Berisha.



Iniulat ng International Business Times na, “The stunning photo shoot had the contestants show off their glamorous side. Out of the 87 candidates, only 15 were chosen and Arida walked off with the top honor.”


Kasunod ni Ariella sa pagkakaroon ng pinakamagandang glam shot sina Miss Spain, Miss Great Britain, Miss South Africa at Miss Australia, ayon sa media reports.


Isa si Ariella sa frontrunners sa Miss Universe 2013 matapos nagpakitang-gilas simula nang dumating sa Moscow para sa pageant. Rumampa siya sa Tony Ward Couture Fashion Show noong nakaraang linggo at napili siya sa anim na kandidata para sa isang commercial ng Mercedes-Benz.


Gayunman, matamlay ang reaksiyon ng international media sa pagrampa ni Ariella sa National Costume Show kahapon.


Para sa International Business Times, masasabing “disappointing” para sa frontrunner na tulad ni Ariella ang pagrampa niya suot ang tradisyunal na ‘terno’, na napaulat na idinisenyo ni Stella Araneta, ang pageant director/organizer ng Binibining Pilipinas.


Umasa ang lahat na may kakaiba sa national costume ni Ariella, makaraang lumabas sa survey na mas gusto ng mga pageant judge ang mas stylistic at kakaibang damit kaysa “traditional and boring” na isinusuot ng mga kandidata taun-taon.


Bidang-bida naman ang futuristic dress ala-Transformer ni Miss USA Erin Brady.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Ariella Arida, best glam shot sa Miss Universe 2013


No comments:

Post a Comment