Thursday, November 21, 2013

Antibiotic sa mga bata? Teka muna

NEW YORK (Reuters Health) — Ipinapayo ngayon ng mga doktor na dapat suriing mabuti ng mga pediatrician ang mga batang may ear infection, runny nose at sore throat bago sila bigyan ng mga antibiotic.


Makatutulong lamang ang mga antibiotic sa pagpapaikli ng mga sintomas ng sakit ng mga bata kung ang mga ito ay dulot ng bacteria at hindi ng virus, pagbibigay-diin ng American Academy of Pediatrics (AAP) Committee on Infectious Diseases.



Gayunman, ipinakikita ng mga pag-aaral na maraming bata at matatanda ang binibigyan ng gamot laban sa ubo at sipon na dulot ng mga virus. Itinataas nito ang panganib ng antibiotic resistance, nang hindi makabubuti sa mga pasyente.


“People tend to not recognize how big of a problem this is,” sabi ni Dr. Theoklis Zaoutis, kasapi ng AAP committee at infectious diseases specialist sa Children’s Hospital of Philadelphia sa Pennsylvania.


Ayon sa Centers for Disease Control and Prevention, halos 2 milyong Amerikano ang nahahawaan ng antibiotic-resistant bacteria bawat taon at 23,000 ang namamatay resulta nito. Ang anumang paggamit ng antibiotic – tama o hindi – ay maaaring magambag sa panganib ng resistance.


“You want to use the antibiotic that has the narrowest spectrum, meaning it will kill the germs that are causing the infections but not have collateral damage on all the other bacteria within our bodies,” sabi ni Zaoutis sa Reuters Health.


Malaki rin ang papel ng mga magulang upang matiyak na ang kanilang mga anak ay hindi nabibigyan ng mga antibiotic na hindi naman talaga nila kailangan, ayon kay Zaoutis.


“Talk to the doctor and say, ‘Do I really need that antibiotic? What are the risks and benefits of my child taking an antibiotic?’,” payo niya.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Antibiotic sa mga bata? Teka muna


No comments:

Post a Comment