Thursday, November 14, 2013

‘Anonymous’ hacker, natimbog sa Butuan City

Nina Beth Camia at Leonard Postrado


Isa sa itinuturing na pinakaaktibong miyembro ng hacking collective group na Anonymous Philippines ang naaresto ng National Bureau of Investigation sa Butuan City.


Sa pakikipagtulungan ng Caraga Region sa NBI, naaresto ang suspek na si Rodel Plasabas, 24, residente ng Bgy. Ambago, Butuan City. Si Palabas ay may cyber screen name na “Reaper”, “Anonymous Butuan”, at “Anon Reaper.”



Ayon kay NBI-Central Office team leader Victor Lorenzo, malaking hamon ang tukuyin ang pagkakakilanlan ng isang hacker kaya tumagal ang imbestigasyon.


Natunton si Palabas sa kanyang partisipasyon sa hacking ng 38 website ng gobyerno nitong Nobyembre 4, 2013. Kabilang sa mga pinasok ng grupo ang website ng Office of the Ombudsman, Philippine Embassy sa Seoul, Insurance Commission, Optical Media Board, at Sugar Regulatory Administration.


Kasunod nito ang pag-apply nila ng search warrant na nagresulta kaagad sa pagkahuli ng suspek sa Burgos St., Butuan City. Nasa NBI headquarters sa Manila ngayon si Palabas.


“He was online when the search warrant was issued. Initial check on his current chats indicated discussions on website hacks. Initial forensics were included,” sinabi ni Justice Secretary Leila de Lima sa text messages sa mamamahayag.


Inihahanda na ang kasong paglabag sa Section 33 ng Republic Act 8792 (e-Commerce Law), na isasampa laban kay Palabas. Kapag mapatunayang nagkasala, maaari siyang mabilanggo ng tatlo hanggang anim na taon.


“This is a criminal offense because hacking disrupts public service,” paliwanag ni De Lima.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



‘Anonymous’ hacker, natimbog sa Butuan City


No comments:

Post a Comment