Wednesday, November 13, 2013

‘Angustia’ at ‘Bukas Na Lang…’, X-Rated sa MTRCB

Alex Vincent Medina


Ni Mell Navarro


DALAWANG indie films na kalahok sa ongoing na Cinema One Originals 2013 ang na-Rated-X ng MTRCB, ang Bukas Na Lang Sapagkat Gabi Na ni Direk Jet Leyco at ang Angustia ng Bicolano poet and filmmaker Kristian Cordero.


Ang Bukas Na Lang… ay “four-part narrative of three related occurrences caused by the tragic accidents of a Filipino-Spanish priest” tampok ang indie actors na sina Raul Morit, Nika Santiago, Dan de Guzman, atbp.



“Na-rated-X kami sa first review,” sabi ni Direk Jet nang kapanayamin naming. “Dapat, sa second review rin. Pero ginawan namin ng paraan sa projection ‘yung one scene, kaya R-18 na ang bagong rating.”


Anu-ano ang mga eksenang objectionable o offensive sa MTRCB?


“Masturbation with genitalia, frontal nudity, animal cruelty. May necrophilia daw, which is wala naman. There’s a sex scene with a tortured victim lang,” sabi ni Direk Jet.


Na-delete ba ang three other scenes kaya naging R-18?


“Nope, sa second review, we discussed things and intentions sa committee, kasi, two members voted for R-18, and three members for X-rating. So ‘yun, nagkaroon ng arrangements.”


Samantala, ang mas kontrobersiyal ang period film na Angustia na pinagbibidahan ni Alex Vincent Medina kasama sina Maria Isabel Lopez, Michelle Smith (Bicolano actress na based sa Manila), atbp.


Ang nakasaad sa synopsis ng pelikula: “In 19th Century Bicolandia, a Spanish friar falls for an indigenous woman, but paranoia soon drives him to murder.”


Dapat sana ay nag-premiere night ito noong Martes, November 12, sa Robinsons Galleria, pero nakansela ito dahil sa X-rating ng MTRCB.


Nagkaayos naman ang direktor at ang MTRCB, nag-compromise sila, kaya R-18 na ang final rating ng Angustia, at natuloy na ang premiere night kagabi, same cinema.


Two days bago pa man ganapin ang original premiere night, halata ang sama ng loob ni Direk Kristian sa MTRCB, at nag-shoutout pa siya sa kanyang Facebook account: “Maselang araw ito, meeting sa MTRCB at kung anu-ano pa. Kailangang sabihin na may mga puntong halos maglupasay na ako!”


Ininterbyu namin si Direk Kristian, at tinanong kung anu-ano ang mga eksena na hindi nagustuhan sa unang review ng MTRCB.


“They mentioned three scenes: Una, ‘yung pagpapakomunyon sa tandang (manok) ng hostiya. This is a folk practice na ginagawa para manalo sa sabong.


“They wanted me to remove the words ‘Corpus Christi’ which means ‘Body of Christ’, pero ‘di ako pumayag. Second, ‘yung pagbaon ng mga hostiyang ‘yun dahil natalo ang tandang. This scene, I allowed it to be cut. ‘Di ko na ‘pinakita ‘yung akto ng pagpupuyos at galit nu’ng character.


“Sayang, kasi symbolic ‘yun and ako, as a poet, I operate in symbols and images na kapag tinanggal mo ang ilang symbols, agad na nagko-collapse ang buong likha.”


At ang ikatlo at pinakakontrobersiyal na eksena ay ang pagtatalik ng isang pari (played by Alex) at ng babaeng Agta.


Ayon sa director, noong una, ang love scenes nina Alex and Mitch ay ‘pinapa-delete, kasi malicious nudity na raw ‘yon. Pero sa mga sumunod na meeting ay nagbigayan na ang dalawang partido.


“Hindi naman na-delete (ang love scene). May suggestion lang silang ginawa ko naman. Bigayan. Trimmed na. ‘Pinaalis lang ‘yung pagkain ng suso ni Mitch. Kasi, relevant ‘yun sa addiction ni Alex sa ‘tabagwang’ (river snails).


“Sa tingin ko, hindi naman na-compromise ang artistic integrity ng film. Mas nabigla nga ako sa reception nila on how I played the function of the sacraments and interspersed this in the narrative ng film.


“Like ‘yung binyag, komunyon ng tandang, pagbabaon ng hostiya, at ang portrayal sa pari.”


So, in summary, na-trim down lang daw ang love scene, ganoon rin ang paglilibing ng hostiya, pero hindi na-delete.


“The film should be seen as a poetry. Malaking bagay ang pagtunghay sa mga religious images and sacraments na ginamit, sa mga kantang Bikol at pangsimbahan, para lubos na maunawaan ang pelikula.


“Kapag natanggal ang isang imahen, may kinikipil na kahulugan,” makahulugang lahad ni Direk Kristian Cordero.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



‘Angustia’ at ‘Bukas Na Lang…’, X-Rated sa MTRCB


No comments:

Post a Comment