Saturday, November 23, 2013

Ang OPM na singer/actress..bow!

NAKATATAWA naman itong singer/actress na panay ang yaya sa mga entertainment press para sa kanyang event kuno sa Tagaytay City. Nakita kasi ni singer/actress ang mga bading na reporter sa isang taping ng isang TV network. Wala kasing pumapansin sa kanya nu’ng una kasi ‘yung kontrobersiyal na sexy star ang panay ang interbyu ng mga bading.

Para mapansin, nagyaya ito ng isang presscon sa Tagaytay na magpahanggang sa ngayon ay OPM pa rin.

Kaya ang mga bading, panay ang hintay kung tatawagan ba sila ni singer/actress para sa kanyang OPM. Ang kaso, until now ay walang tawag. Usong–uso naman kasi ang mga ganyang eksena sa showbiz lalo pa’t wala nang pumapansin sa mga matatandang artista sa rami kasi ng mga batang artista sa ngayon.


&&&&&


KAHIT may bago pang noontime show na tumapat sa Eat Bulaga, still number one noontime show pa rin ito kaya lalo pang dumami ang load ng commercial. Nadagdagan din ang kanilang mga portion. Iba talaga ang karisma nina Tito, Vic at Joey and company. Kaya laging tumutok sa number one noontime show, Eat Bulaga sa GMA 7 para lagi kayong may biyaya.

&&&&&&

ANG Epic Entertainment ay pumaimbulog na rin sa showbiz industry. Katunayan ang kanilang kauna–unahang talent ay si Carlo Lazerna, isang very promising artist at former member ng XLR8. Mainstay rin siya sa Party Pilipinas ng GMA 7. Ang Epic Entertainment na humahawak sa kanya ay sister company ng Uk Derm Pharma maker ng Erase Placenta at Erase Solution kung saan si Mr. Louie Gamboa ang president at CEO ng nasabing kumpanya.

Sa ngayon, pumirma si Carlo ng 2-year exclusive contract with an option to renew. Siya ay opisyal na kasama sa Boys of Erase. Sa mga gustong kumuha sa kanya sa mga event, commercial, TV and radio guesting, pakitawagan lang si Jackie sa 09228754843.

&&&&&


MAHUSAY makisama at mabait pang Mayor si Del de Guzman ng Marikina City. Katunayan sa kanyang araw sa mga tao sa nasabing lungsod kapag Huwebes ay wala siyang pinipiling tulungan. Kahit sino ay kanyang tinutulungan at open sa lahat ng mahihirap ang City hall ng Marikina. Maging mga taga-Taytay, Pasig at Antipolo City ay sa kanya humihingi ng tulong. Kaya naman wala siyang nakalaban noong Mayo sa pagka-mayor ng Marikina. Mabilis niyang nakuha ang kanyang ikalawang termino.


The post Ang OPM na singer/actress..bow! appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Ang OPM na singer/actress..bow!


No comments:

Post a Comment