Sunday, November 10, 2013

ANG MAS MATALINONG MAGSASAKA

MATATAPOS na ngayong Nobyembre ang inilunsad na seminar para sa mga magsasaka sa Pililla, Rizal. Ayon kay Gng. Glendora Verania, municipal agriculture officer ng Pililla, ang nasabing seminar ay tinawag na “Farmers’ School on Organic

Vegetable Production”. Sinimulan noong Hulyo 31, 2013, ginaganap ang makabuluhang seminar tuwing Sabado sa Sitio Mabolohan, Barangay Hulo. Isang magandang lugar para pagtaniman ng mga gulay na tinatalakay sa seminar ng mga magsasaka mula sa iba’t ibang barangay ng Pililla.



Kabilang sa naging mga panauhin na resource speaker at lecturer sa seminar ay ang mga agriculturist mula sa Technology Generation ng Department of Agriculture; mga taga-Provincial Agriculture Office ng Rizal, sa pangunguna ni Dr. Reynaldo Bonita; at mga agriculturist sa municipal agriculture office ng Pililla. Ang graduation ng mga magsasaka na lumahok sa naturang seminar ay sa Nobyembre 20.


Ang seminar ng mga magsasaka ay isang programa sa agrikultura ni Pililla Mayor Leandro Masikip at sa pakikipagtulungan ng Agriculture Training Institute ng Department of Agriculture, na ang isa sa pangunahing layunin ay mapalawak pa ang kaalaman ng mga magsasaka sa Pililla tungkol sa wastong pagtatanim at pag-aalaga ng mga gulay, na kasamang binabanggit sa awiting “Bahay Kubo”. Ayon kay Pililla Mayor Leandro Masikip, ang mga natutuhang kaalaman ng mga magsasaka sa organic vegetable production ay magiging alternatibong gawain at hanap-buhay matapos ang anihan. Maitatanim ang mga gulay sa bukid nilang sinasaka lalo na ang mga malapit sa Laguna de Bay. Hindi problema ang tubig na pandilig.


Kaugnay naman sa pagtaas ng tubig ng Laguna de Bay, na lumubog ang palayan ng magsasaka na nasa tabi ng lawa, sinabi ni Gng. Verania na ang Department of Agriculture ay nagbigay sa mga magsasaka sa Pililila ng mataas na uri ng binhi ng palay upang muling makapagtanim.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



ANG MAS MATALINONG MAGSASAKA


1 comment:

  1. ANO NA ANG STATUS NG MEETING NG MGA MAGSASAKA NG BARANGGAYHULO PILILLIA RIZAL? APRL 17, 2012? SUMISIGAW SILA NG KATARUNGAN!!! NASAAN ANG HUSTISYA ???!! MAO GLEN!!

    ReplyDelete