Monday, November 25, 2013

Alice Dixon laway-laway kay Derek Ramsay

SOUL Brothers ang naging titulo ng concert ng magkaibigang PhilAm na sina J-R at Kris Lawrence na ginanap sa Music Museum last November 22. Biglaan ang kanilang concert dahil ang proceeds nito’y para sa victims ng bagyong Yolanda.


Suffice to say, napakagandang gesture ‘yun ng magkaibigan – ang pagtulong sa kanilang mga kababayang nasalanta ng bagyong Yolanda.Isa pa ring concert na para rin daw sa mga biktima ng mga nasalanta ng bagyo ay ang repeat na aniverssary show ni Martin Nievera. Saludo kami sa inyong tatlo na mga Fil-Am.


Ay naku! baka merong mag-react sa patutsada ni Jay-R na ang iba raw mga artista ay ibinabalandra ang kanilang pagtulong sa mga nasalanta ng bagyo. Para kay Jay-R, showbiz na showbiz ang dating nun. Ibig bang palabasin ni Jay-R ay bukal sa loob ang kanilang pagtulong?


Abangan na lang natin kung si no ang unang aaray.


-000-


Crush nga ba ni Alice Dixon si Derek Ramsay? May sinabi raw kasi ang aktres tungkol sa kanyang kapareha sa series nilang For The Love of Money ng TV5 na gusto niya sa lalaki ang mas matangkad sa kanya at sexy at maganda ang katawan. Ramdam ito ni Alice kay Derek sa tuwing sila’y magkakaeksena. Para sa amin, bagay na bagay sila dahil parehong may foreign blood at higit sa lahat, pareho silang walang sabit.


-000-


Hanggang ngayon nangangarap pa rin si Korina Sanchez na maging First Lady of the Land?


Naku! malabong mangyari’yun. Hindi mananalo ang kanyang Mr. Palengke dahil marami ang ayaw na sa team Pinoy. Bistado na kasi ng taong bayan ang mga karakas ng mga pulitikong ito.


Nakita naman natin kung ano sila ng rumaragasa ang bagyong Yolanda.


Ang isa pa, ayaw rin ng marami kay Korina hindi raw bagay na first lady kung sakali mang palarin ang dear husband niya na maging presidente. Masama raw kasi ang ugali nito at ubod ng taray at matapang. Well, wah na ko say! Basta ako, type ko pa rin si ate Koring. Babu!

Ciao Bambino!


The post Alice Dixon laway-laway kay Derek Ramsay appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Alice Dixon laway-laway kay Derek Ramsay


No comments:

Post a Comment