Thursday, November 21, 2013

Albay, aampon ng Yolanda victims

LEGAZPI CITY – Nakahanda ang pamahalaan ng albay na kumupkop ng mahigit 2,000 pamilya mula sa Leyte at Samar na sinalanta ng super typhoon Yolanda na pansamantalang patitirahin sa mga bagong evacuation center ng lalawigan na pinondohan ng Japanese International Cooperation Agency (JICA).



Ayon kay Albay Gov. Joey Salceda, pasisimulan din ang agarang foster family program para sa mga biktima ni Yolanda. Ang mga biktima ni Yoanda ay tinatawang ngayong Internally Displaced Persons (IDPs). Sila ang mga nawalan ng tirahan at napilitang umalis sa kanilang bayan dahil sa mga kalamidad. May 52 IDP mula sa Leyte ang nasa Albay ngayon matapos silang mailigtas. Nasa pangangalaga sila ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).


Inihahanda na ngayon ng Albay Public Safety and Emergency Management Office (Apsemo) ang mga bagong evacuation center sa Legazpi City at sa mga bayan ng Polangui, Libon, Oas, Santo Domingo at Manito para sa mga IDP. Ang mga ito ay may kuryente, mainit at malamig na tubig, hiwalay na palikurang panlalaki at pambabae, kusinang lutuan at pamatay sunog.


Ang mga biktima, ayon kay Salceda, ay bibigyan din ng livelihood ng kinauukulang mga ahensiya para mapabilis ang kanilang pagbangon.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Albay, aampon ng Yolanda victims


No comments:

Post a Comment