Thursday, November 7, 2013

Aktres, may bagong tuklas na iibigin

Ni Jimi C. Escala


Blind Item SOBRANG happy daw uli ang lovelife ng sikat na aktres. May natagpuan daw uli ang premyadong aktres na magpapasaya sa kanya kapalit ng bruskong karelasyon na nakahiwalay niya.



Pera may may mala pit sa nagpapasaya ngayon sa puso ng aktres na nakapagbulong sa amin na dapat daw mag-ingat ang aktres dahil mukhang “peke” na naman ang bagong karelasyon.


Ayon sa source namin, ngayon pa lang naghihilom na sugat ng aktres dulot ng dating karelasyon pero mukhang magkakaroon daw ng part two ang naging magulong pagsasama.


Nope, walong halong pagkaberde ang bagong inspirasyon ng aktres kung di isa na naman daw itong palalamunin at tiyak sa aasa lang sa sustento na ipagkakaloob ng aktres.


Pero mukhang bulag na naman daw si aktres na “bigay todo” na naman sa mga hilig ng bagong karelasyon.


“Knows naman siguro ni __ (aktres) na walang trabaho ang bago niyang “pagibig”. Malaman din naman sana niya na matagal nang naghahanap ng bagong mabibingwit ang lalaki na ‘yan,” mariing pahayag ng source namin.


Pero nakakasiguro naman daw si Aktres na walang pananagutan sa ibang babae ang bagong tuklas niyang iibigin, pera dapat din daw siyang magpaimbestiga sa totoong dahilan kung bakit ito hiniwalayan ng dating kinakasama.


“Baka akala niya, eh, natagpuan na niya ang bago niyang langit sa lalaki na ‘yan. Sa totoo lang naman, impiyerno na naman ang buhay na papasukan niya kung hahayaan niyang makapasok sa pribadong buhay niya ang lalaki na ‘yan,” babala pa ng aming source.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Aktres, may bagong tuklas na iibigin


No comments:

Post a Comment