Monday, November 25, 2013

Agawan ng China at Pilipinas sa West Philippine Sea humupa

MALAKI ang paniwala ni Leyte Rep. Ferdinand Martin Romualdez na pansamantalang humupa ang tensiyon sa pagitan ng Pilipinas at China dahil sa trahedyang dulot ng bagyong Yolanda.


Ayon kay Romualdez, maituturing na masamang panaginip ang inihatid ng Yolanda sa bansa ngunit may buti ring naidulot sa relasyon ng Pilipinas at China.


Banggit ng kongresista ang hindi matatawarang pagtulong ng China sa mga biktima ng nagdaang bagyo na nakabawas sa tension sa West Philippine Sea.


Ang China ay isa sa mahigit 40 bansang agad nagpadala ng malaking tulong sa mga biktima ng bagyong Yolanda.


Bukod sa cash at relief donations, ang China ay nagpadala rin ng peace ark hospital ship sa Leyte para magamot ang mga nasugatan at nagkasakit sa gitna ng kalamidad.


Nakadaong ang hospital ship ng China sa Leyte na may sakay na 50 doktor at nurses at may dala pang anim na toneladang iba’t ibang uri ng mga gamot.


Ang peace ark ng China ay kauna-unahang 10,000 ton class hospital ship sa buong mundo na kumpleto ng makabagong gamit sa panggagamot gaya ng CT scan, may digital xray photographic studio, blood bank, oxygen generation station at may pharmacy.


Ito ay mayroong 300 ward beds kasama ang 20 ICU ward beds, 109 ward beds para sa serious injuries, 67 burn ward beds bukod pa sa regular at quarantine ward beds.


The post Agawan ng China at Pilipinas sa West Philippine Sea humupa appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Agawan ng China at Pilipinas sa West Philippine Sea humupa


No comments:

Post a Comment