Wednesday, November 6, 2013

Adopt-a-wildlife bill, inihain

Upang maprotektahan ang lubusang pagkawala ng mga endangered species sa Pilipinas, tulad ng Philippine Eagle at Philippine Tamaraw, iminumungkahi ni Tarlac Rep. Susan Yap ang paglikha ng isang programa na kukupkop at mangangalaga sa mga hayop na nanganganib ang buhay.



Sa House Bill 391 o “Adopt-a-Wildlife Species Program”, hinihilingang aktibong partisipasyon, paglahok at ayuda sa programa ng local government units (LGUs), non-government organizations (NGOs), people’s organizations (POs), civil society groups, at mga pribadong indibidwal sa pangangalaga sa wildlife.


Layunin ng programa na mapreserba at mapangalagaan ang biological diversity, maisulong ang ecological sustainable development, mapigilan ang pagkaubos ng lahi at mapaigting ang proteksiyon sa endangered species. – Bert de Guzman


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Adopt-a-wildlife bill, inihain


No comments:

Post a Comment