Friday, November 22, 2013

88 suspek sa Maguindanao massacre habulin – PNoy

INATASAN na ni Pangulong Noynoy Aquino ang Philippine National Police (PNP) na tugisin at arestuhin ang 88 suspek sa Maguindanao massacre na nananatiling ‘at large.’


Sinabi ni Communications Sec. Sonny Coloma, bahagi ito ng pagpupursige ng administrasyon para mabigyan ng hustisya at mapanagot ang mga sangkot sa karumal-dumal na krimen na eksaktong apat na taon ngayong araw.


Ayon kay Coloma, kaisa rin sila sa mga adbokasiya na nagsusulong ng mga reporma at pag-amyenda sa Rules of Court para mapabilis ang pagkamit ng katarungan.


Puspusan din ang kanilang ugnayan sa Kongreso para maging prayoridad ang pagpasa sa panukalang whistleblower bill at amendments sa layuning mapalakas ang witness protection law.


The post 88 suspek sa Maguindanao massacre habulin – PNoy appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



88 suspek sa Maguindanao massacre habulin – PNoy


No comments:

Post a Comment