Sunday, November 3, 2013

76ers, gumulong sa 3-0 sa East; Carter-Williams, nagpasiklab

Michael Carter Williams vs Derrick Rose


PHILADELPHIA (AP) – Tila imposibleng matalo ang rookie na si Michael Carter-Williams at ang Philadelphia 76ers.


Tinawag na isa sa pinakamahinang koponan sa liga noong preseason, patuloy na nangggulat ang Sixers sa pag-uumpisa ng season nang talunin nila ang Chicago Bulls, 107-104, sa likod ng 26 puntos at 10 assists ni Carter-Williams.



Nagposte naman si Evan Turner ng 20 puntos habang nagdagdag si Spencer Hawes ng 18 puntos at 11 rebounds para sa Sixers (3-0) na una nang tinalo ang Washington Wizards at two-time defending champion na Miami Heat upang kunin ang unang puwesto sa Atlantic Division.


‘’We understand what everybody has said and written about us,’’ pahayag ni coach Brett Brown said. ‘’Our guys have put in the day-today stuff, which has always been our message. I’m lucky I’ve found a group that enjoys each other’s company and they enjoy playing together.’’


Pinangunahan ni Carlos Boozer ang Bulls sa pagtatala ng 22 puntos at 10 rebounds habang si Luol Deng ay nagtapos na may 20 puntos. Iniinda pa rin ang pananakit ng kanyang leeg, si Derrick Rose ay nagkasya sa 13 puntos at anim na assists para sa Chicago sa kanyang 4-of-14 shooting at walong turnovers.


‘’I would blame tonight on me,’’ ani Rose. ‘’Turnovers, missed shots, miscommunication – I just couldn’t get in my groove.’’


Matapos maghabol sa 18 puntos sa maagang bahagi ng ikalawang hati, nakuha ng Sixers ang 100-99 na abante sa natitirang 3:29 nang makuha ni Carter-Williams ang isang loose ball at kalmadong ipinasok ito sa basket. Iyon ang unang pagtikim ng Sixers ng kalamangan matapos ang 11-10 abante sa first quarter.


Naitarak ni Rose ang isang 3-pointer may 2:13 nalalabi upang muling makaabante ang Bulls sa 104-103, ngunit nagkamit ang 2011 MVP ng turnover sa dalawang magkasunod na possession ng Bulls upang bigyang daan ang Sixers na maitabla ang laro sa layup ni Turner at kunin ang 105-104 na kalamangan sa 105-104 sa split ni Turner mula sa free throw line, 1:30

natitira sa laro.


Sa huling 5.9 segundo, isang jumper ni Hawes ang naglagay sa Sixers sa unahan 107-104, at nabigo naman si Deng na maitabla ang laro nang magmintis sa kanyang three-pointer sa kabilang dulo ng court.


‘’At the end, they got to almost every loose ball and hit almost every shot they needed to win the game,’’ sabi ni Rose.


Sinabi ng first-round draft pick ng Sixers mula sa Syracuse na ninamnam niya ang tsansang makatapat si Rose, isang gabi matapos ang toe-to-toe nila ni John Wall ng Washington.


May ilang pagkakataon na nabigo si Rose, na hindi naglaro sa kabuuan ng 2012-13 season dahil sa isang knee injury, na mapigilan si Carter-Williams na inatake ang basket na buo ang determinasyon at walang takot na karaniwan ay nakikita sa mga beteranong manlalaro.


Ang rookie ay 10-for-22 mula sa field at mayroon ding tatlong steals.


‘’Coach gives me a lot of confidence out there,’’ lahad ni Carter-Williams. ‘’I’m able to play freely and I just try to make things happen within the team. I try to do my job out there and get all my teammates involved. They did a great job. And when they do a great job, it makes me look good.’’


Bago ang pagkatalo nila kahapon, mayroong limang sunod na panalo ang Bulls sa Sixers mula noong 2011-12 season.


Resulta ng ibang laro:

Pacers 89, Cavaliers 74

Mavericks 111, Grizzlies 99

Raptors 97, Bucks 90

Pelicans 105, Bobcats 84

Rockets 104, Jazz 93

Trail Blazers 115, Spurs 105

Warriors 98, Kings 87


.. Continue: Balita.net.ph (source)



76ers, gumulong sa 3-0 sa East; Carter-Williams, nagpasiklab


No comments:

Post a Comment