Sunday, November 24, 2013

7 patay sa avalanche sa Japan

PATAY ang pito katao makaraang tamaan ng avalanche sa Japan.


Ayon sa pulisya, nangyari ang pagkatibag ng yelo sa bundok ng Toyama prefecture sa central Japan.


Ang mga biktima na kinabibilangan ng apat na lalaki at tatlong babae ay nagsi-skiing nang madaganan ng tipak ng yelo na tinatayang 30 metro ang lawak at 600 metro ang haba mula sa Mt. Masago.


Patuloy naman ang search operation dahil hindi malinaw kung may iba pang tao na nasa bundok nang mangyari ang avalanche.


The post 7 patay sa avalanche sa Japan appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



7 patay sa avalanche sa Japan


No comments:

Post a Comment