Sunday, November 10, 2013

60 sentimos, bawas sa diesel, gasolina

Mistulang nakikisimpatiya ang mga kumpanya ng langis sa maraming mamamayan na naapektuhan sa pananalasa ng bagyong ‘Yolanda’ matapos magpatupad ang mga ito ng bawas-presyo sa produktong petrolyo, kahapon ng madaling araw.


Epektibo 12:01 ng madaling araw nang tinapyasan ng Pilipinas Shell ng 70 sentimos ang kada litro ng kerosene at 60 sentimos sa kada litro ng gasolina at diesel.



Para sa Cebu at Bohol, na sinalanta ng magnitude 7.2 na lindol noong Oktubre 15, nagbawas ang Shell ng 60 sentimos sa kada litro ng gasolina, 50 sentimos sa kerosene at 25 sentimos sa diesel.


Hindi naman nagpahuli ang Petron, nag-rollback ito ng 70 sentimos sa kerosene at 60 sentimos sa gasolina at diesel.


Bandang 6:00 ng umaga kahapon nang kinaltasan ng Phoenix Petroleum Philippines ng 60 sentimos ang gasolina at diesel habang hindi naman ginalaw ang presyo ng kerosene.


Katulad na rollback sa gasolina at diesel naman ang ipinatupad ng Total Philippines, na nagbawas ng 25 sentimos sa diesel sa Cebu. – Bella Gamotea


.. Continue: Balita.net.ph (source)



60 sentimos, bawas sa diesel, gasolina


No comments:

Post a Comment