Sunday, November 24, 2013

6 eroplano pa ipapadala ng UK para sa relief efforts

MAGPAPADALA pa ng anim na karagdagang eroplano ang Britanya para makatulong sa nagpapatuloy na relief efforts sa Pilipinas.


Mismong ang pamahalaan ng Gran Britanya ang nag-anunsyo na lulan ng naturang mga eroplano ang libu-libong tents, kumot, tarpaulin, at cooking sets para sa mga nabiktima ng bagyong Yolanda.


Ang panibagong tulong ng nasabing bansa ay kasunod ng pagbisita ni British International Development Secretary Justine Greening sa mga lugar na labis na napinsala partikular sa Tacloban City.


Una nang inanunsyo ni British Prime Minister David Cameron ang karagdagang $48 million o katumbas ng P2 billion ang ibibigay sa Pilipinas na ipapasok ng United Kingdom sa flash appeal ng United Nations para sa Pilipinas.


Maliban pa ito sa unang $23 million o P989 million na inilaan ng UK dahil malinaw daw na kailangan pa ng Pilipinas ng karagdagang tulong.


Nabatid na nag-deploy na rin ang prime minister ng military asset sa Pilipinas kung saan kanyang ipinadala ang pinakamalaking barkong pandigma ng United Kingdom, ang aircraft carrier na HMS Illustrious at mga C-130 aircraft.


The post 6 eroplano pa ipapadala ng UK para sa relief efforts appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



6 eroplano pa ipapadala ng UK para sa relief efforts


No comments:

Post a Comment