Thursday, November 21, 2013

5,000 OFW nakauwi na mula Syria

Umabot na s 5,003 Pinoy sa Syria ang napauwi ng Embahada ng Pilipinas sa Damascus at Beirut sa suporta ng International Organization for Migration (IOM), ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).


Ito ay makaraang dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang 92 Pinoy galing sa Syria matapos sagutin ng IOM ang kanilang mga pasahe sa eroplano, land transportation at pagkain nang ligtas na makatawid sa Syrian-Lebanese border ang dalawang batch noong Nobyembre 12 – 13.



Ang unang grupo ay inalalayan nina Beirut PE Vice Consul Dennis John Briones at Labor Attaché Bulyok Nilong samantalang inayudahan ang pangalawang batch sa Masna’a border nina Vice Consul Rona Beth Goce at Assistance-to-Nationals (ATN) officer Dexter Macaraeg.


Magkahiwalay na team mula sa Embahada at IOM ang tumulong sa 92 Pinoy sa Rafik Hariri International Airport sa Beirut bago ang kanilang biyahe pabalik ng Pilipinas.


Ayon sa DFA, ito ang ika-38 at 39 cross-border operation ng dalawang embahada. Sa pagdating sa bansa ng 92 Pilipino,umabot na sa kabuuang 1,980 Pinoy ang napauwi na mula Syria via Lebanon. – Bella Gamotea


.. Continue: Balita.net.ph (source)



5,000 OFW nakauwi na mula Syria


No comments:

Post a Comment